Go out and vote. It's your right. :]
I just got home from the precinct, and I'm telling you...automated elections? awesome. I had to be at the precinct 30 minutes before 7 A.M because I know if I get there late I'd probably be stuck in line with a bunch of hot headed people. So glad I went early. Kahit late nagstart yung voting, buti nalang ang daming nakaka aliw na observations sa pila. Hahaha
1. IBANG KLASE PAGKA CHISMOSA NG MGA BOTANTE. Natatawa nalang ako kanina habang nakapila. Lahat ata ng klase ng chismis tungkol sa mga kandidato narinig ko na. Hindi lang sila chismosa..echusera pa. :]
2. (KAHIT HINDI PA TUMITINGIN) BOTANTE: WALA AKO SA LISTAHAN. Mga tao talaga.
3. NA-USO ANG "SAMPLE BALLOT" SA LABAS NG PRECINCT. Naman kasi diba? Hindi yan sample ballot. Ang tawag diyan KODIGO. Ang tawag diyan? BAWAL ATE BAWAL!
4. LUMALAKAS ANG MGA SENIOR CITIZEN. Akala mo lang fragile..pero hindi. hahaha Ang galing kasi parang sila pa mauuna makipagsapakan pag may sumingit sa pila.
5. PROUD NA ANG SHY SENIOR CITIZENS. Noon hiyang hiya sila magbigay ng SC card sa restaurants. Pero sa voting? halos rinig sa BUUUUUOOOOOONG precinct yung sigaw nila na.."SENIOR CITIZEN AKO!" special daw kasi dapat.
6. NAGIGING INSTANT BARKER ANG MGA BOTANTE. Magugulat ka nalang may sumisigaw sa likod ng pila ng: "SINO PO DITO MAY KOTSE NA RTY 323?? NAKAHARANG!" hahaha
They said na if all goes well, election results might be out by tomorrow. Although, some precincts are having a hard time since some of the machines aren't even working. The experience was exciting because it was new - new process, alot of new and young voters, and people are more vigilant. I hope everything turns out well.
Filipinos go out and VOTE! :]
0 comments:
Post a Comment